(sa lahat ng sinulat ko ito ang pinaka-gusto ko)
" when pain is shared it reduce to half, when happiness is shared it is doubled."
May mga bahagi sa ating buhay na kaysarap ibahagi, mga kaganapan na pumupukaw sa ating mga problema sa buhay, kahit isang saglit lang na kasiyahan ang nakamtan, habang buhay naman na nagbibigay nitong ngiti sa ating mga labi…
Ngunit may mga bahagi din naman sa ating buhay na pilit nating iwinawaglit sa ating isipan, mga kaganapan na nagdulot ng habang buhay na pagdaramdam, sakit at luha.. may pagkakataon ayaw natin maungkat ang mga bagay na ito sa ating buhay, ngunit kung minsan kailangan natin ibahagi, upang ang aral na dulot na ito ay kapulutan ng iba, maging inspirasyon sa mga taong patuloy na nakakaranas ng buhay na pinagdaanan natin.
Maliit pa lang ako alam ko na salat kami sa yaman, pito kaming mgakakapatid at ako ay pang-lima.. isang guro ang aking ina at ang ama ko ay pasimple simple lang sa trabaho ,di permanente, kayat madalas pag walang kita ang aking ama, pasan-pasan kaming mag-aama ng aking ina.
Isang matapang na ina ang aking nakagisnan, di mababakas sa kanyang mukha ang pagod na kanyang nararamdaman, walang hinaing, walang reklamo, puro pagmamahal ang ipinapadama sa amin..di sumusuko, di nagpapadaig sa mga pasakit ng kahirapan.
Wala akong maipagmamayabang na alin mang material na bagay, isa lang ang labis labis kong ipinagmamalaki sa aking buhay, ang aking huwarang ina.
Nawalay ako sa aking pamilya nang mag-aral ako sa manila, sa kahirapan ng buhay, iginapang ako ng aking ina umang makamtan ko ang pangarap ko sa buhay, malaki ang tiwala ng aking ina sa akin, kayat kahit salat kami sa yaman pinayagan nya akong mag-aral sa siyudad.
Di biro ang buhay na dinatnan ko sa manila, may mga panahon na tinitiis ko ang gutom dahil wala na akong pera, pumasok na boy sa isang may kayang pamilya at makibagay sa iba't-ibang klase ng tao sa lipunan..kahit ganun pa man di ako nagpabaya sa aking pag-aaral.
Sa wakas natapus ko ang aking pag-aaral at ang diploma ko ay iniaalay ko sa aking mga mahal na magulang. Pinalad naman ako na pumasa ng board exam at sa taong din yon, nakapag-saudi agad ako. maraming pasko ang lumipas na mga pangrap at luha ko ang aking kasalo, madalas pinipikit ko na lamang ang aking mata at dala ang dasal na sanay maging mabuti ang pamilyang naiwan sa pilipinas at guminhawa ang buhay sa bagong taon n parating.
Noong una job experience lang ang habol ko dito, masaya naman ang una kong trabaho binabayaran ako para matuto.. pagkalipas ng ilan taon lagi na nagkaksakit ang aking ina, labas pasok sa hospital, napatagal ako dito sa saudi dahil kailangan ko kumita ng pera, para tustusan ang mga gamot niya, sa awa ng diyos naging matagumpay naman ako.
Ngunit sadyang ang sakit na dumapo ay nagbigay taning na sa kanyang buhay kahit anong pilit kong dugtungan ito ay hindi ko nakaya, diyos na ang may gusto na siya ay magpahinga..
di ko alam ang direksyon ng aking buhay ng araw ng mamatay siya, di ako makapag-trabaho at di ko mapigilan ang pagdaloy ng aking luha. Ang ina ko, na nagbigay pag-asa sa aking mga pangarap, at nagbigay lakas ng loob sa akin ay wala na, ano pa ba ang saysay ng paghihirap ko na magtrabaho dito sa saudi? isang bahagi nga buhay ko na kay hirap kong unawain, pero kailangan tanggapin.
Pinilit kong unuwi upang ihatid sa huling hantungan nya , kahit sa eroplano at sa bus na sinasakyan ko pauwi sa amin ay tulala ako, di ko nga namalayan na 3 araw n pala akong walang tulog.
Nahihirapan akon ihakbang ang aking mga paa papasok sa kwarto kung saan nakahimlay ng aking ina, wala akong lakas, ubos na ang luha ko.. matatag ang aking ina at alam ko mas masisiyahan siya pagdungaw ko sa kanya ay ngiti ang aking ipapakita.
Pero ang buhay ay di natatapos sa sakit, dahil lumisan man ang katawang lupa ng aking ina, baon baon ko p din ang ala-ala nya habang buhay