Thursday, February 23, 2012

Isang Maikling Kwento ng Aking Buhay

(sa lahat ng sinulat ko ito ang pinaka-gusto ko)


" when pain is shared it reduce to half, when happiness is shared it is doubled."



May mga bahagi sa ating buhay na kaysarap ibahagi, mga kaganapan na pumupukaw sa ating mga problema sa buhay, kahit isang saglit lang na kasiyahan ang nakamtan, habang buhay naman na nagbibigay nitong ngiti sa ating mga labi…



Ngunit may mga bahagi din naman sa ating buhay na pilit nating iwinawaglit sa ating isipan, mga kaganapan na nagdulot ng habang buhay na pagdaramdam, sakit at luha.. may pagkakataon ayaw natin maungkat ang mga bagay na ito sa ating buhay, ngunit kung minsan kailangan natin ibahagi, upang ang aral na dulot na ito ay kapulutan ng iba, maging inspirasyon sa mga taong patuloy na nakakaranas ng buhay na pinagdaanan natin.



Maliit pa lang ako alam ko na salat kami sa yaman, pito kaming mgakakapatid at ako ay pang-lima.. isang guro ang aking ina at ang ama ko ay pasimple simple lang sa trabaho ,di permanente, kayat madalas pag walang kita ang aking ama, pasan-pasan kaming mag-aama ng aking ina.



Isang matapang na ina ang aking nakagisnan, di mababakas sa kanyang mukha ang pagod na kanyang nararamdaman, walang hinaing, walang reklamo, puro pagmamahal ang ipinapadama sa amin..di sumusuko, di nagpapadaig sa mga pasakit ng kahirapan.



Wala akong maipagmamayabang na alin mang material na bagay, isa lang ang labis labis kong ipinagmamalaki sa aking buhay, ang aking huwarang ina.



Nawalay ako sa aking pamilya nang mag-aral ako sa manila, sa kahirapan ng buhay, iginapang ako ng aking ina umang makamtan ko ang pangarap ko sa buhay, malaki ang tiwala ng aking ina sa akin, kayat kahit salat kami sa yaman pinayagan nya akong mag-aral sa siyudad.



Di biro ang buhay na dinatnan ko sa manila, may mga panahon na tinitiis ko ang gutom dahil wala na akong pera, pumasok na boy sa isang may kayang pamilya at makibagay sa iba't-ibang klase ng tao sa lipunan..kahit ganun pa man di ako nagpabaya sa aking pag-aaral.



Sa wakas natapus ko ang aking pag-aaral at ang diploma ko ay iniaalay ko sa aking mga mahal na magulang. Pinalad naman ako na pumasa ng board exam at sa taong din yon, nakapag-saudi agad ako. maraming pasko ang lumipas na mga pangrap at luha ko ang aking kasalo, madalas pinipikit ko na lamang ang aking mata at dala ang dasal na sanay maging mabuti ang pamilyang naiwan sa pilipinas at guminhawa ang buhay sa bagong taon n parating.



Noong una job experience lang ang habol ko dito, masaya naman ang una kong trabaho binabayaran ako para matuto.. pagkalipas ng ilan taon lagi na nagkaksakit ang aking ina, labas pasok sa hospital, napatagal ako dito sa saudi dahil kailangan ko kumita ng pera, para tustusan ang mga gamot niya, sa awa ng diyos naging matagumpay naman ako.



Ngunit sadyang ang sakit na dumapo ay nagbigay taning na sa kanyang buhay kahit anong pilit kong dugtungan ito ay hindi ko nakaya, diyos na ang may gusto na siya ay magpahinga..



di ko alam ang direksyon ng aking buhay ng araw ng mamatay siya, di ako makapag-trabaho at di ko mapigilan ang pagdaloy ng aking luha. Ang ina ko, na nagbigay pag-asa sa aking mga pangarap, at nagbigay lakas ng loob sa akin ay wala na, ano pa ba ang saysay ng paghihirap ko na magtrabaho dito sa saudi? isang bahagi nga buhay ko na kay hirap kong unawain, pero kailangan tanggapin.



Pinilit kong unuwi upang ihatid sa huling hantungan nya , kahit sa eroplano at sa bus na sinasakyan ko pauwi sa amin ay tulala ako, di ko nga namalayan na 3 araw n pala akong walang tulog.



Nahihirapan akon ihakbang ang aking mga paa papasok sa kwarto kung saan nakahimlay ng aking ina, wala akong lakas, ubos na ang luha ko.. matatag ang aking ina at alam ko mas masisiyahan siya pagdungaw ko sa kanya ay ngiti ang aking ipapakita.



Pero ang buhay ay di natatapos sa sakit, dahil lumisan man ang katawang lupa ng aking ina, baon baon ko p din ang ala-ala nya habang buhay

my selfish definition of LOVE hehehe


what is love?

Love is an imaginary self-inflicted torture weapon that is directly nailed slowly to the heart  and yet you are enjoying the pain until it's too late to realized that you are about to die not in excessive blood loss but in a shrinking of your brain.. hahaha

Pinangarap!

noong bata pa ako pangarap kong maging isang Astronomer, nakakatuwa ngang balik balikan ang mga araw na pinangrap kong maging isang Astronomer na di ko naman alam talaga ang ibig sabihin at ano ang ginagawa ng propesyon na ito. pagkakaalam ko nabasa ko lang sa mga libro namin sa science noon elementary pa lang ako.

sa murang isipan ko na mag-umpisang mangarap ng isang propesyon na napakataas, nakikitaan na ako ng aking mga guro ng malawak at malikot na pag-iisip. ngunit bawat baitang na aking natutung-tungan sa pag-aral, ang aking pangarap ay nag-iiba din.

ang pagiging isang doctor ang sumunod kong pinangarap, dahil sumagi sa aking isipan ang tumulong at mangamot ng may mga taong may sakit at kapansanan. paglipas ng mga taon, muli ang pagiging isang abogado naman ang sumagi sa isip ko na pangarapin maging balang araw.

nakakatuwa ang mangarap ,at  lalo sigurong mas masaya kung  makita mo  ang sarili mo isang araw na, ang mga larawang ginuhit mo sa iyong murang kaisipan ay ang kinatatayuan mo ngayon. ngunit sa likod ng mga makukulay na pangarap, pag-aalinlangan at pagkabigo ang makikita.

sa katotohanan, ang buhay natin sa kinabukasan ay naayon sa anong klase ng estado ng buhay napapabilang ang ating nakagisnan pamilya. pangarapin man natin ang pinakamataas na propesyon sa ating buhay, mahihirapan nating makamtan ito kung kapos tayo sa pinansyal upang makamtan ito, kahit pa may kakayahan tayong tapusin ito.

hayssss isang araw na naman, ang matatapos at nagabablik tanaw na naman ako sa aking mga nakaraan. isa lang talaga ang di ko pinangarap sa buhay ko, ang magtrabaho sa ibang bansa, its a twist of fate, at ngayon nga ang bagay di ko pinangrap ay siyang kinatayuan ko...

isa lang ang natutunan ko sa aking buhay, di natin hawak ang mga ating buhay, may Diyos n gumagabay sa atin, bigo man tayo makamtam ang pinangrap natin noong tayong musmos pa lang, hindi naman tayo naging bigo na makilala nating ang ating Diyos ng lubusan.. ikaw ba'y pingarap mo bang kilalanin ang ating diyos noon bata k pa?

"kunin mo na ang lahat sa akin wag lang aking mahal..." naman ayaw talaga ako lubayan ng kantang ito, pati sa pagsulat ko nito sumusingit pa.. hahaha

Wednesday, February 22, 2012

reflection!

bakit may mga taong dahil sa tindi ng kanilang galit or tampo sa isang tao ay di na nila ito nakikitaan ng magandang bagay. dahil lamang sa isang nakalipas na alitan na  tila parang isang multo na patuloy na sumusunod at pinapaalala ang isang di magandang pangyayari sa nakaraan.

kung papansinin natin marami na sa atin ang sumusunod sa batas na gawa ng tao, keso ito ay patakaraan na kailangan sundin kahit pa medyo may pagkatiwalas sa mga batas na binigay sa atin ng diyos. sa aking palagay dalawa lang naman talaga ang batas ng Diyos na binigay sa atin, ito ay ang "Ibigin mo ang Diyos ng buong puso, buong lakas, buong isip at buong kaluluwa" at ang isa namay "ibigin mo ang iyong kapwa ng higit sa iyong sarili". paano mo ako mapapaniwala na mahal mo ang iyong kapwa kung hindi ko ito nakikitaan sa iyo?

ang batas na gawa ng tao ay walang damdamin at sariling pag-iisip, naway maging mapanuri tayo kung tayo'y nagiging isang biktima at isinasapuso ang batas na walang puso at damdamin,  we should rely in God's two greatest commandments, if  we do so ang mga pabigat sa ating mga puso ay mas magaan dalhin.

Monday, January 16, 2012

a friend laughter

its been long time that i didn't visited my blog, many thank t2 Jay Rada Rafol for he reminded me to drop some thoughts in my page.

last Christmas, December 2011, i spend much of my time with my close friends in SFC, many thanks to T2 Jay Lim, Sam, Jb, Zeus and t2 Owie and Fosty (who both spare their time to spend with us before they headed to S4 for vacation). an everlasting fun throughout the whole month.

despite of the happiness I have felt with my friends, there's still a soft voice of sadness at the back of my head, singing a melody of my longing to my family in the Philippines, thanks to the loud laughter of my friends which causes me to dance in happiness, than to subject myself drowning in sadness.

new year, new life but still i have old friends with me, thank you Lord. God bless everyone!