noong bata pa ako pangarap kong maging isang Astronomer, nakakatuwa
ngang balik balikan ang mga araw na pinangrap kong maging isang
Astronomer na di ko naman alam talaga ang ibig sabihin at ano ang
ginagawa ng propesyon na ito. pagkakaalam ko nabasa ko lang sa mga libro
namin sa science noon elementary pa lang ako.
sa murang isipan ko na mag-umpisang mangarap ng isang propesyon na napakataas, nakikitaan na ako ng aking mga guro ng malawak at malikot na pag-iisip. ngunit bawat baitang na aking natutung-tungan sa pag-aral, ang aking pangarap ay nag-iiba din.
ang pagiging isang doctor ang sumunod kong pinangarap, dahil sumagi sa aking isipan ang tumulong at mangamot ng may mga taong may sakit at kapansanan. paglipas ng mga taon, muli ang pagiging isang abogado naman ang sumagi sa isip ko na pangarapin maging balang araw.
nakakatuwa ang mangarap ,at lalo sigurong mas masaya kung makita mo ang sarili mo isang araw na, ang mga larawang ginuhit mo sa iyong murang kaisipan ay ang kinatatayuan mo ngayon. ngunit sa likod ng mga makukulay na pangarap, pag-aalinlangan at pagkabigo ang makikita.
sa katotohanan, ang buhay natin sa kinabukasan ay naayon sa anong klase ng estado ng buhay napapabilang ang ating nakagisnan pamilya. pangarapin man natin ang pinakamataas na propesyon sa ating buhay, mahihirapan nating makamtan ito kung kapos tayo sa pinansyal upang makamtan ito, kahit pa may kakayahan tayong tapusin ito.
hayssss isang araw na naman, ang matatapos at nagabablik tanaw na naman ako sa aking mga nakaraan. isa lang talaga ang di ko pinangarap sa buhay ko, ang magtrabaho sa ibang bansa, its a twist of fate, at ngayon nga ang bagay di ko pinangrap ay siyang kinatayuan ko...
isa lang ang natutunan ko sa aking buhay, di natin hawak ang mga ating buhay, may Diyos n gumagabay sa atin, bigo man tayo makamtam ang pinangrap natin noong tayong musmos pa lang, hindi naman tayo naging bigo na makilala nating ang ating Diyos ng lubusan.. ikaw ba'y pingarap mo bang kilalanin ang ating diyos noon bata k pa?
"kunin mo na ang lahat sa akin wag lang aking mahal..." naman ayaw talaga ako lubayan ng kantang ito, pati sa pagsulat ko nito sumusingit pa.. hahaha

Pareho pala tayo ng gusto noong bata ako t2, pero ako merong tatlo:
ReplyDelete1. To study astronomy
2. To study marine biology
3. To study travel journalism (if there's such a special degree in journalism)
None of the above were realized..lol..